Entertainment

Inspiring

Post Page Advertisement [Top]

BINI, nag-walkout dahil sa pasaway at walang disiplinang fans

 

PHOTO : Bini at Quirino Grandstand Manila

Naudlot ang performance ng Bini sa 126th Independence Day celebration na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong June 12 matapos silang mag-walkout.

Ang may kasalanan? Mga pasaway na fans na hindi marunong sumunod sa security protocols.

Maaga pa lang ay marami na ang pumila para mapanood ang free concert ng BINI.

Nang lumabas na ang BINI sa stage, nagkagulo na nga ang fans.

BINI, itinigil ang Independence Day concert dahil sa pasaway na fans

Pero matapos ang unang performance ng BINI kung saan kinanta nila ang “Lagi”, hindi muna nila itinuloy ang kanilang performance para pakiusapan ang audience na lumayo sa stage.

Base sa ilang videos kuha mula sa concert, makikitang may ilang fans na umakyat na sa scaffolding.

Habang halos dumikit na sa stage ang ilang fans dahil sa lapit sa barricade.

Bukod dito, may ilang fans din na nahimatay dahil sa siksikan at tulakan.


Nabahala nga ang BINI kaya hininto muna nila ang kanilang performance para pagsabihan ang mga fans na sundin ang mga safety protocols.

PHOTO : Bini at Quirino Grandstand Manila

Saad ng leader ng BINI na si Jhoanna, “Gusto niyo bang marinig yung next song namin? Pero bago tayo mag-perform ulit, last na ba… Blooms, alam namin excited tayong lahat pero safety muna.”

“Bago kami magpatuloy, kailangan naming kayong kumalma, guys, dahil mahihirapan ang mga security natin,” dagdag niya.

Tila nainis naman si BINI Maloi dahil hindi nakikinig ang ilang fans sa security na hirap na sa pag-control ng crowd o audience.

Ani Maloi, “Kalma lang tayo kasi gusto natin mag-enjoy ngayong gabi.”

Maging ang dance coach ng BINI na si Mickey Perz ay umakyat na rin sa stage para pagsabihan ang mga fans na kumalma.

Binigyang-diin ni Mickey ang kahalagahan ng kaligtasan ng lahat.

Ani Mickey, “Blooms, alam naming kanina pa kayo andito at matagal kayong naghihintay sa BINI. Ang BINI din ay naghihintay sa inyo. Kung hindi tayo magiging kalma, hindi na po kami makaka-perform kasi importante sa BINI na safe mag-perform.”

Ngunit sa huli, hindi pa rin nakontrol ang crowd kaya naman hindi na itinuloy ng BINI ang kanilang performance at umalis na sila sa stage at sa venue.

Sa isang video, makikitang natalisod pa si BINI Maloi habang pababa sa stage dahil sa mga fans na nagtutulakan.

BINI, humingi ng paumanhin at pag-unawa sa fans

Samantala, sa kanilang official X account, humingi ng paumanhin at pag-unawa sa kanilang fans ang BINI.

Ayon sa kanila, mas mahalaga umano ang kaligtasan ng lahat kaya naman kinailangan nilang itigil ang kanilang performance. 

Anila, “Thank you sa lahat ng sumuporta ngayong gabi! Ngunit safety first po tayo and we hope for your understanding. More chances to see each other real soon! We hope everyone gets home safely tonight. Maraming salamat! Happy Independence Day!”

Dismayado nga ang maraming Blooms o fanbase ng BINI dahil sa nangyari.

Ngunit naiintindihan umano nila ang desisyon ng BINI.

Ayon pa sa kanila, hindi kasalanan ng BINI ang nangyari kundi ng mga pasaway at walang disiplina na fans.

“Dismayado ako sa karanasan na ito. Pumunta kami sa Quirino Grandstand ng mga 1 PM, maaga bago ang Musikalayaan, at hindi ko inasahan na wala pang 30 minuto ang BINI ay inistop agad?! Dahil sa mga fans na pasaway na nagtutulak pa kaya maraming Blooms ang nahimatay.”

“Stay safe, our best girls! Di niyo fault ang nangyari ha. Marami lang talagang tao kaya di nakontrol pero girls, you did great! Ingat pag-uwi.”

“Wala kayong kasalanan, girls, don’t blame yourselves sa nangyari kanina sa event. Sadyang di lang marunong makinig yung iba, privilege na nga yung makita kayo sa personal, inabuso pa nila.”


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]