Ibinunyag ng teleserye king na si Coco Martin ang tunay na ugali ng viral pares vendor na si Deo Balbuena o mas kilalang Diwata.
![]() |
PHOTO : Coco Martin and Diwata |
Gumanap si Diwata bilang may-ari ng isang karenderya sa serye ni Coco Martin na “Batang Quiapo”, dito na nakita o napansin ni Coco ang tunay na ugali ng pares vendor.
Diwata in Batang Quiapo
Sa isang panayam ni Coco Martin sa ABS-CBN news, dito niya naikwento kung paano nakuha ni Diwata ang kaniyang role sa Batang Quiapo.
“May maliit na eksena na may kakainan kami. sabi ko try niyo nga ipatawag si Diwata. kapag pumunta ‘to, ibig sabihin para sa kanya ‘yung role. Eh nagke-creative ako noon, bigla siyang dumating,” panimula ni Coco.
Dito na umano kinausap ni Coco si Diwata nang masinsinan kung talagang gusto nito na maging bahagi ng kaniyang serye.
“Alam ko kasi busy siya, eh. And noong dumating siya, tinanong ko siya. Sabi ko ‘gusto mo bang mag-artista?
“Sabi niya, ‘gusto po.’ ‘Anong artista, gusto mo lang bang masubukan? O gusto mo talagang maging artista?’ ‘Kahit ano po,’ yun ang sagot niya.
“Sabi ko, ‘pasensya ka na ha, alam mo naman sa trabaho namin kapag nagsisimula ka, ganito lang ang buhay.’ ‘Wala pong problema’ sabi niyang ganu’n,” ani Coco.
Kasunod nito ibinahagi na ni Coco ang tunay na ugali ni Diwata, lalong-lalo na sa set ng Batang Quiapo, sa katunayan gustong gusto ni Coco ang dedikasyon nito at sobrang bait raw ng pares vendor.
“Ang gusto ko sa kanya, kasi dahil galing din sa baba, alam mo ‘yung naiintindihan niya ‘yung trabaho ng lahat.” pagpapatuloy ni Coco.
‘Hindi siya nagpapahintay, hindi siya sakit ng ulo. nandu’n lang siya sa isang tabi, tahimik. tapos nililibre pa nga kami, binibiro namin,
“Ang bait niya. nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo ‘yung tao na gusto niyang iimprove ‘yung buhay niya, ‘yung sarili niya. At alam niya ‘yung puwesto niya.
“Ang sarap tulungan ‘yung mga taong alam mong may pangarap at gustong may mangyari sa buhay,” dagdag ni Coco Martin.
Diwata vs Mystica
Kung matatandaan, tumindi ang bangayan ng dalawa sa social media na nag-ugat dahil sa pambabatikos ni Mystica sa ugali, itsura, at paresan ni Diwata.
Matatandaang pinuna ni Mystica sa kanyang sunod-sunod na posts si Diwata dahil sa inaasal nito sa mga nagpapa-picture sa kanya.
Ayon pa sa kaniya na lumaki na raw ang ulo ni Diwata.
Tinawag namang dugyot ni Mystica ang ugali ni Diwata na pareho lang daw ng kanyang paresan.
“May nagpapa-shout out sa kanya, ‘yung inasal niya, hindi ko nagustuhan. Na-turn off talaga ako. Medyo lumaki na talaga ‘yung ulo niya…
“Dugyot na ugali, dugyot na paresan! Binigyan ng malaking picture ng susi ng house & lot, ‘yun pala isang container lang… Kawawa ka, Diwata!” dagdag ni Mystica.
Diwata sinupalpal si Mystica
Sa isang video kung saan natanong siya ng isang vlogger kung ano ang masasabi niya sa pagkape ni Mystica sa kanyang tindahan.
Hindi na nakapagpigil pa si Diwata at sinupalpal si Mystica, tinawag na “pisteca” ni Diwata si Mystica na katunog ng pangalan nito.
Ayon pa kay Diwata, wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni split queen laban sa kanya dahil laos na raw ito.
Tanong ng vlogger kay Diwata, “Diwata, anong masasabi mo na nagkape si Mystica dito sa paresan mo?”
Sagot naman ni Diwata, “Sino si PISTEca? nagkape siya dito?
“nagkape pala si PISTEca sa pwesto ko.. alam mo wala akong pakia-alam kay PISTEca dahil matagal ng laos yan”.
No comments:
Post a Comment