![]() |
PHOTO : Mystica and Rosmar Tan |
Nitong Biyernes, May 24, nag-post si Mystica sa kanyang Facebook account ng isang matinding pahayag laban kay Rosmar.
Sa kanyang post, tinawag ni Mystica na “legit scammer” si Rosmar dahil sa di umano’y modus operandi nito na “Rosmar Mystery Parcel.”
Ayon kay Mystica, ginagamit ni Rosmar ang kanyang online influence upang makahikayat ng mga tao na bumili ng kanyang mystery boxes o parcels kalakip ng pangakong magagarang premyo tulad ng iPhones, 1 million, at maging mga sasakyan.
Subalit, ayon kay Mystica, dismayado raw ang mga bumibili sa mystery parcel ni Rosmar dahil sa halip na iPhones, mga binebenta umano nitong sabon na “mabaho” at “hindi bumubula” ang laman ng mystery parcel.
Binigyang-diin din ni Mystica na kawawa ang mga biktima na sinusugal ang kanilang pinaghirapang pera para lang makabili ng mystery parcel ni Rosmar.
Facebook post ni Mystica
Ani Mystica, “THIS IS JUST A WARNING! ROSEMAR MYSTERY PARCEL SCAM ALERT??? GUSTO NIYO BANG MAGING ANOTHER VICTIM NG MYSTERY BOX OR MYSTERY PARCEL SCAM NI ROSEMAR?NAKU, ITO NA ANG BUNGA AT EFFECT NG PAMULAKLAKIN MODUS OPERANDI AT PUBLICITY SCAM NI ROSEMAR!”
Patuloy ni Mystica, “KAWAWA NAMAN ANG MGA NABIBIKTIMA DAHIL ISINUSUGAL ANG MGA PINAGHIRAPAN NILANG PERA PARA LANG MAGKAROON NG MYSTERY BOX NA MAY LAMANG IPHONE KUNO, YUN PALA ANG 599 PESOS NG MGA BIKTIMA AY PARA LANG MAKABENTA SI ROSEMAR NG PRODUCTS AT MABAHO RAW AT HINDI RAW BUMUBULA ANG MGA SABON. YAN BA ANG TINATAWAG NA LEGIT SCAMMER? AT YUNG MGA NABIBIKTIMA NAMAN NG HALAGANG 999, ISANG MILYON AT BRAND NEW CAR NAMAN DAW!”
Panawagan ni Mystica sa mga umano’y nabiktima ng Mystery Parcel ni Rosmar
Nanawagan din si Mystica sa mga nabiktima ng nasabing mystery parcel ni Rosmar na mag-post i mag-send ng videos sa kanya upang mawarningan ang ibang tao.
Aniya, “CALLING CALLING ALL VICTIMS! LAHAT NG MGA BIKTIMA, MAGPOST AT MAGSEND KAYO NG VIDEOS SA AKIN PARA MAWARNINGAN YUNG MGA IBANG TAONG NABIBIKTIMA NILA!”
Mystica, hindi naniniwala na walang kinalaman si Rosmar sa Mystery Parcel Scam
Samantala, matatandaang nauna nang itinanggi ni Rosmar na mula sa kanya ang mga parcels.
Aniya, ang mga parcels na iyon ay hindi galing sa kanya kundi sa mga scammers na ginagamit ang kanyang pangalan upang linlangin ang mga tao.
Ayon pa kay Rosmar, maaaring ginagamit ng mga scammers ang kanyang mga live videos bilang parte ng kanilang modus operandi.
Gayunpaman, hindi ito pinaniniwalaan ni Mystica at sinabing “palusot” lang ito ni Rosmar.
Ani Mystica, “HINDI RAW SA KANYA GALING ANG MGA PARCELS NA YUN KUNDI GALING SA MGA SCAMMERS DAW. IBIG SABIHIN, PURO SCAMMERS PALA YUNG MGA DISTRIBUTORS NA NAGBENTA NA NA-SCAM DIN NIYA SA PAMAMAGITAN NG KANYANG MARKETING STRATEGIES OR SELLING SCHEMES PARA LANG MAKABENTA NG MGA PRODUKTO NIYA?…SO, SA MGA SCAMMERS LANG PALA NAPUNTA YUNG MGA IBINAYAD NILANG GCASH NA MILYONES? HUWAG ME!”
“NAKU, MAY MALAKING KARMA SA’YO YAN ROSEMAR! REMEMBER, SA MGA LIVE VIDEOS MO SILA NABIKTIMA AT PWEDE RING GAMITIN NG MGA DISTRIBUTORS ANG MGA LIVE VIDEOS MO WITH YOUR COMMAND AND AUTHORITY PARA MAKABENTA. KUNWARI PA NA SCAMMERS DAW MGA YUN! OF COURSE, KATRIBO MO SILA EH! PERO ALANGAN NAMANG NAKABANTAY SILA SA BAHAY MO TUWING NAGLA-LIVE KA. PWEDE MO NAMANG GAMITAN NG ILANG VIDEO CAMERA ANG LIVE MO AT GAMIT ANG IBA’T-IBANG ACCOUNT MO EH!” dagdag ni Mystica.
Bwelta pa ni Mystica kay Rosmar, “MAY PA-BLUE BADGE, BLUE BADGE PA PARA LINLANGIN ANG MGA NETIZENS PARA KUNWARI HINDI GALING ANG MGA PARCEL NA YUN SA KANYA!”
Mystica kay Rosmar: ‘Totoong malakas at legit ang panlilinlang!’
Samantala, iginiit naman ni Mystica na kung may mananalo man sa mystery parcel ni Rosmar, tiyak ay mga kamag-anak lang din daw nito.
Ani Mystica, “HINTAYIN NATING LAHAT KUNG ILANG MILYONES ANG MALILIKOM NI ROSEMAR BAGO MAY LALABAS NA MANANALO KUNO NUNG 100K, 1 MILLION PESOS AND BRAND NEW CAR. AT SIGURADONG KUNG MAY MAKAKUHA MAN SA TATLONG PARCEL NA ‘YAN, SA KAMAG-ANAK LANG MAPUNTA! TOTOONG MALAKAS AT LEGIT ANG PANLILINLANG!”
Sa huli, nanawagan si Mystica sa mga awtoridad na siyasatin kung legal ba ang pagbebenta online ni Rosmar.
Tinatanong din niya kung FDA approved ba ang bawat produkto na binebenta nito.
Aniya, “PAHABOL: PAKI-CHECK NGA KUNG MAY LEGAL REGISTRATION OR LICENSE TO SELL ONLINE SI ROSEMAR? FDA APPROVED BA ANG BAWAT PRODUCTO NIYA.”
Wala pa namang sagot si Rosmar sa mga akusasyon ni Mystica laban sa kanya.
No comments:
Post a Comment