Nagulat ang marami matapos lumabas ang malungkot na balita na pumanaw na ang komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay ngayong araw, August 31.
Kasabay ng pagpanaw ni Mahal ay ang pagkalat din ng Facebook post dati ng kilalang pinoy na pyschic na si Rudy Baldwin kung saan nabanggit niya ang tungkol sa pagpanaw ng batikang komedyante.
Nasa hula raw ni Rudy Baldwin noong July 26, 2021 ang pagkamatay ng dalawang komedyante, at ang isa umano rito ay batikang komedyante. At ngayon nga ay napabalitang pumanaw na ang kapuso na si Mahal.
No comments:
Post a Comment