Entertainment

Inspiring

Post Page Advertisement [Top]

Skyway Stage 3 na nagkokonekta sa SLEX at NLEX, tapos na


Ibinida ni Department of Public Wokrs and Highways Secretary Mark Villar sa kanyang social media account na makalipas ang halos apat na taon, sa wakas ay nakumpleto na rin ang Skyway Stage 3 project na nagkokonekta sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).


“Can’t believe that after almost four years, the 18-km Skyway Stage 3 expressway is now complete. Soon, travel time from NLEX to SLEX will be reduced from 2 hours to only 30 minutes,” anang kalihim sa Facebook post niya na may kalakip na video ng buong kahabaan ng nakumpletong proyekto.



Kahit tapos na ang proyekto ay hindi pa ito binubuksan sa mga motorista dahil sa mga finishing touches na ginagawa at proper curing ng aspalto na medyo naantala dahil sa mga pag-ulan, ngunit tiniyak ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation na hindi magtatagal ay magagamit na ng publiko ang bagong elevated expressway.


“I’m happy to announce that we’ve finally completed construction of the Skyway 3 project, seamlessly linking North and South Luzon. We just need to do some finishing touches and allow for proper curing of asphalt, which has been delayed by the weather. But very soon, we will open this mega-project to the public,” ani Mr. Ang.



Malugod niyang pinasalamatan ang suportang ibinigay ng pamahalaan, lalo na ni DPWH Sec. Mark Villar.


“Thanks to the support of our government, especially our hard-working DPWH Sec. Mark Villar, we are now at the finish line. Maraming salamat po,” aniya.


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]