Entertainment

Inspiring

Post Page Advertisement [Top]

Mga netizens nanawagan ng tulong para sa lolong nagtitinda ng apron sa lansangan; tulong bumuhos


Lahat ng tao ay darating sa kalagayan at panahon ng pagtanda. Sa panahong iyan, inaasahang nagpapahinga na lamang tayo sa loob ng bahay, o tinatamasa ang pensyon. Subalit nakalulungkot isiping hindi lahat ay may ganiyang kalagayan. Marami pa rin ang pinipiling kumayod para sa pang-araw-araw na pamumuhay.


Kaya naman, itinampok ng isang Facebook page na nagngangalang “Viral Videos” ang isang lolong namataang nagtitinda ng apron habang nakasuot naman ng face shield bilang pananggalang laban sa mapamuksang virus. Ang orihinal na nag-post nito ay isang netizen na nagngangalang “AJ Mirandilla.” Nanawagan ang naturang FB page na tulungan ang matanda sa pamamagitan ng pagbili ng apron dito.



“Calling the attention of all the restaurants or fast food chain near Camarin, Caloocan or Almar!! Please help Lolo Romy, he is selling apron for only 30 pesos for their basic needs and food. Lagi siyang nagtitinda sa footbridge kahit sobrang init,” ayon sa caption.


Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.


“Naku lolo, marangal po ang trabaho ninyo, kaya lang sana may mas maayos po kayong puwesto. Kung malapit lang ako, papakyawin ko ang mga apron na iyan,” sabi ng isa.


Turan naman ng isa, “God bless you lolo. Sa edad mong ‘yan dapat hindi ka pinababayaan sa lansangan nang ganyan. Sa mga anak naman sana huwag ninyo naman paranas hanggang pagtanda ng magulang ninyo ang kahirapan. Hirap na sila sa pagtaguyod sa atin hanggang lumaki. Sana mabigyan din natin sila ng sapat na pahinga sa pagtanda nila.”


“Sana may mga Good Samaritans na bumili ng paninda ni Tatay. Kahanga-hanga si Tatay dahil sa kabila ng sitwasyon at ng kaniyang gulang ay nagbabanat pa rin ng buto at nagsisikap sa mabuting paraan. Ang mga katulad ni Tatay ang deserve na tulungan,” pahayag naman ng isa.



Dahil dito, instant sikat si Lolo Romy kaya dumagsa ang mga concerned citizens na nagnanais na matulungan ang matanda.


Sa isang Facebook post, nagpasalamat naman ang girlfriend ng apo ni Lolo Romy na nagngangalang “Camillejoy Budol” sa mga taong naantig ang damdamin para sa kaniyang lolo, lalo na kay AJ Miravilla at Nikki Marielle Efren Eviota.


“Lagi po namin siya sinasabihan ni Lolo na sa bahay na lang siya lagi niya din sinasabi sa amin na ‘MAS MASARAP MAGHANAPBUHAY KAYSA SA MANATILI SA BAHAY.’ Exercise na rin daw niya yun lalo raw po siya manghihina kung nasa bahay lang siya at walang ginagawa,” paliwanag niya.



God bless you po, Lolo Romy!

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]