Entertainment

Inspiring

Post Page Advertisement [Top]

Magtataho na lumilibot pasan ang anak, tinulungan ni Raffy Tulfo


Naantig si Raffy Tulfo sa kuwento ng isang ama na naglalako ng taho habang pasan sa likod ang kaniyang isang taong gulang na anak.


Nasaksihan ng netizen na si Jam Perry Branch ang hirap na dinaranas ng 30 anyos na magtataho na si Richard Paclibare kaya naman nagpasya siyang ibahagi ang larawan ng mag-ama sa social media sa pag-asang makaabot ito kay Tulfo.


“Napadaan po siya sa bahay… Bumilib at nahabag po ako sa kaniya dahil habang nagbebenta siya, kasama niya ang anak niya na isang taong gulang pa lang po,” sabi ni Jam, na gustuhin man daw na tumulong ay salat din sa buhay.



Ayon kay Richard, iniwan sila ng ina ng bata matapos nitong manganak. Ito raw ang dahilan kung bakit kahit hirap ay kailangan niyang magsakripisyo. “Wala naman po akong magagawa kaysa wala akong maibigay sa anak ko,” saad niya.


Kumikita raw si Richard ng P400 kapag malakas ang bentahan. Kung mahina naman ay sapat lang sa pagkain nila sa maghapon ang kaniyang kita.



Sa tulong ng mga netizen ay umabot sa programa ni Tulfo ang sitwasyon ni Richard. Pinangako ni Tulfo na bibigyan siya ng food cart, groceries, gatas, at pera na maaari niyang gamitin kung sakaling magkaroon ng emergency.


Laking pasasalamat naman ni Richard sa lahat ng mga tumulong sa kaniya.


“Maraming salamat po sa inyong lahat na nagbigay ng tulong sa amin ng anak ko. Pati po sa inyo Sir Raffy, maraming salamat po,” aniya.


Samantala, napabilib naman si Tulfo sa busilak na pus0 ni Jam dahil kahit nangangailangan din ay si Richard pa rin ang inilapit niya ng tulong. “Alam mo, nakakatuwa. Hindi ito ang first time na nangyari na mayroong katulad ni Sir Jam. Magre-request ng tulong sa atin para matulungan yung isang kababayan na mas naghihikahos kaysa sa kanila,” sabi ni Tulfo.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]