Inilunsad ng Apple Inc noong Martes ang iPhone 12 na may mas mabilis na 5G connectivity.
Ang iPhone 12, ay may 6.1-inch display, at flat sides na may flush display, katulad ng iPhone 5 ng kumpanya.
Ipinakilala din ng Apple ang "Mini" version na may 5.4-inch na display screen na nagkakahalagang $699 at ang "Pro" version na may tatlong mga camera.
Para sa mga loyal fans ng iPhones at iba pang iOS devices, ang Oktober 13 ay maituturing na isang napakalaking event sapagkat ito ang petsa kung kailan inaasahang ilulunsad ng Apple ang bagong lineup ng kanilang iPhones.
Ang 5G ang pinakabagong teknolohiya sa mobile network na lubhang napakabilis kumpara sa kasalukuyang 4G. Bagama’t una nang nailunsad ng ibang brands tulad ng Samsung at Huawei ang 5G technology sa kani-kanilang units, inaasahan pa ring marami ang magkakainteres sa 5G iPhones kapag nailunsad na ito ng Apple.
Maliban sa 5G, usap-usapan rin ang bagong lineup ng iPhones na pinaniniwalaang apat imbes na tatlo lamang tulad ng nakagawian dati ng kumpanya ni Tim Cook.
Ayon sa mga lumabas na ulat, ang apat na iPhones ay papangalanang ‘iPhone 12’, ‘iPhone 12’ Max, ‘iPhone 12 Pro’, at ‘iPhone 12 Pro Max. Ang screen size nito ay naglalaro sa 5.4” hanggang 6.7”, base na rin sa mga usap-usapan.
Samantala, ang magiging presyo umano ay mula sa $699 hanggang $1,199.
Ganunpaman, lahat ng ito ay pawang mga hula lamang na walang kumpirmasyon at kailangang abangan ang opisyal na paglulunsad ng mga nasabing units sa Martes.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi sa buwan ng Setyembre gaganapin ang Apple launch ng mga bagong models ng iPhones dahil na rin sa umiiral na pandemya.
Bagama’t nagkaroon ng September event ang kumpanya, ito ay para ilunsad lamang ang bagong iPad models, iWatch at Apple One subscription service.

Narito ang mga features ng iPhone 12:
No comments:
Post a Comment